Siopao

Abril 12, 2007

Kakatapos lang ng Mahal na Araw. Ang naging bakasyon ko?

Tumambay sa bahay. Nag-horror movie marathon. Nakipaglaro sa pamangkin ko. Nagmuni-muni. Nagbasa ng Ana Castillo. At natulog sa likod ng bahay namin kasama ang bunso kong kapatid na si Chyla.

Siyempre dahil nga bakasyon, kanya-kanyang uwian ang mga tao. Hindi na rin kami nagkaroon ng pagkakataong mag-bonding ng karelasyon ko.

At dahil sa halos isang linggo naming di pagkikita, naisipan kong dumalaw sa kanya.

Linggo. Ika-8 ng Abril. Bandang alas 10 ng gabi.

Bago tuluyang pumara ng jeep, bumili muna ako ng ipapasalubong na siopao sa may kanto. Masarap na siopao ito. Mixed asado at bola-bola ang flavor. Masarap ding papakin ang sarsa kaya humingi pa ko ng extra sa aleng nagtitinda. Bumili ako ng dalawang jumbo siopao.

Mga 10 minuto palang ang itinatagal ng biyahe pumara ang jeep sa may Gulf View. Nagsakay ng mga pasahero. Mga tatlong lalaki ang sumakay. Uurong sana ako malapit sa babaan pero umupo na sa tabi ko ang isang lalaki.

Nainis ako.

Hanggang ngayon takot akong makatabi ang mga lalaki kapag sumasakay ng pampasaherong jeep. Lalo na ang mga naka-inom, kunduktor [yung mga nangongolekta ng bayad na madalas ay sumisigaw ng pagkalakas-lakas sa may tenga mo, o di kaya ay halos itaktak ang baga mo kung hampasin ang gilid ng jeepp para sabihin non-verbally na "kasya ang isandaang tao kung aayusin niyo lang ang upo niyo", alam ko exaggerated na ito pero mas exag (eksadj) sila kung itaktak ang baga ko], at yung mga "kakainin kita" ang mukha.

Pakiramdam ko hindi sila mapagkakatiwalaan. May mga naging karanasan na kasi ako ng hipo habang bumabyahe.

At hindi nga ako nagkamali.

Putek!

Ang init-init ng mamang katabi ko. SHIT!

Sinubukan kong aninagin ang mukha niya.

Nakayuko ang mama, panay ang text.

Nakainom kaya? Wala akong maamoy kundi ang pabango ng isa pang pasahero - amoy Atlantis ng Bench.

Adik kaya? Butas-butas lang naman ang kanyang pisngi. Tuloy siya sa pagpindot sa kanyang cellphone.

Samantalang ako ay nakakapag-isip na ng kung anu-anong mga hugis "etits".

Eeew. Pinilit kong maalis ito sa isipan ko. Pero bakit ang init-init ng katabi kong lalaki?

May lagnat kaya siya? Hindi ko alam. Tuliro na ang utak ko. Nagpa-plano na ako ng suicide kung sakaling magahasa ako. Susmaryosep!

Hindi ko na gusto ang mga imahe sa utak ko.

SHIT! SHIT! SHIT!

Yawa! Letse!

Ilang saglit lang nagpakawala ako ng isang malalim na buntunghininga at inipit ang aking mga ngiti.

*

*

*

Bumili nga pala ako ng siopao.

Mag-iwan ng Tugon