liham
Pebrero 24, 2008
lea,
ang tinatahak nating daa’y alam nating mabato
ito’y isang masukal na gubat,
subalit ang sa dulo’y paraiso
para sa lahat ng lahing inalila ng hirap
kung tayo’y pahihila na tahakin ang daang sementado
ano pa’ng kinabukasan ang marami sa ati’y aasahan,
kung tayo mismo’y susuko na sa laban?
bai b.
emote #n
Pebrero 18, 2008
sa iyo teresa,
ang totoo’y nakakaramdam na ako ng awa sa sarili ko dahil hindi ko kayang bigkasin ang mga salitang maaaring maging sagot sa sarili kong katanungan, o kahit na hindi mabigkas, kahit na maarok lamang ng aking isipan kung ano ang kahulugang hinahanap ko.
dahil ang lahat ay hindi ko naman talaga nais na isisi sa — o sa madalas — pagsasama na maaring nagiging bunga ng mas madalas pa — di pagkakasundo. at ang totoo’y alam kong ako ang may pagkukulang. dahil nga sa ang tangi kong masasagot, kapag tinanong ako kung ano ang gusto ko at kung ano ang problema ko, ay isang malaking EWAN.
maliban sa aking pang-araw-araw na gawain bilang isang taga-buwan, lumilipas ang mga araw ko na parang isang pelikulang may malabong iskrip. yung tipo ng mga pelikulang hindi pinapansin ng mga manonood, at unang-una’y hindi papasa sa direktor. malabo. walang patutunguhan. hindi pinag-isipan. paulit-ulit sa isang plot. ganito rin ang pagtingin ko sa aking sarili.
ah malamang, nasosobrahan lang ako ng kakabuntot sa — at sa pag-antay ng mga sagot — sa mga tanong ko. at sa pag-asang masasagot — ang mga tanong ko. para akong isang blangkong papel na nilukot at pilit na inayos para sulatan. pero dahil lukot, ay hindi pa rin halos mabasa ang nakasulat.
kahabag-habag teresa. sana’y matulungan mo ako sa aking suliranin.
kanina’y malakas ang ulan. gusto ko sana silang tanungin, baka alam nila ang sagot. pero di ko na inabutan pa ang mga ulap dahil inuna ko ang sulat na ito. naisip kong dito na lamang ako maghihintay. mag-iisip. kahit na hindi ko naman talaga minsan alam kung ano ang iniisip ko at kung ano ang tanong na nais kong hanapan ng kasagutan.
nag-eemote,
bai b.
sa ngayon
Pebrero 17, 2008
narinig ko na noon pa ang sabi nila:
hindi naman talaga maaring makapunta ng buwan ang ordinaryong tao. ang kaya niya lang ay mangarap makatuntong dito.
pero hindi ko na iyon dinadamdam. tanggap kong hanggang headbang nalang ang kaya kong gawin. hanggang pagkamangha lamang sa mga aninong iniilawan ng buwan. kuntento na ako doon.
sa ngayon.
wala akong ibang hiling, sa ngayon.
tanging nais ko’y maging payapa ang aking isipan. payapang tumanggap ng mga hamon. payapang humarap sa pagsubok. payapang makipagtunggalian. payapa subalit may paninindigan at di matitinag.
yun lang sa ngayon.
sa susunod na taon ko na lang paplanuhin ang pagpunta ng buwan.
walk out
Pebrero 9, 2008
ako: namimili siguro talaga ako ng mga tao, ano?
siya: oo nga. tapos nangangarap kang maging organizer sa community?
ako: (tahimik)
siya: kapag nasa komunidad ka na nandoon na ang lahat ng klase ng mga tao. mga matitino, adik, magnanakaw, pidabs (pw – prosituted women), pidabs na pasosyal, lahat. tahimik, abanteng mag-isip, maingay, lahat.
ako: e di hindi na lang muna ako mag-oor ganizer.
siya: ga-walkout na sab ka.
ako sa aking sarili: oo nga naman. tama siya.